Add parallel Print Page Options

20 Iyon namang naihasik sa matabang lupa, sila ang nakikinig at tumatanggap sa salita. Sila ay nagbubunga, ang isa ay tatlumpu, ang isa ay animnapu at ang isa ay isangdaan.

Ang Ilawan sa Ibabaw ng Patungan

21 Sinabi ni Jesus sa kanila: Dinadala ba ang ilawan upang ilagay sa loob ng takalan o sa ilalim ng higaan. Hindi ba inilalagay ito sa lagayan ng ilawan?

22 Ito ay sapagkat ang anumang natatago ay mahahayag at ang mga bagay na nangyari sa lihim ay maibubunyag.

Read full chapter